Saturday, March 1, 2008

Fck The SYStEm


Ay naku! napakacorrupt talaga ng gobyerno nitong labandera na to. Sabi niya umaasenso na daw ang ekonomiya bansa natin pero bakit ganun mataas parin lahat ng bilihin lalo na pasahe sa jeep. Tsaka ano na nangyari kay Jocjoc _olante bat hindi pa mapauwi dito yang tao na yan para matapos na ang isyu tungkol sa Fertilizer Fund. Ang galing mo talaga labandera! eto pa yung ''HELLO GARCI SCANDAL'' napunta sa wala eh diba umamin na siya? Eh pano ba nmn ultimo yung matataas na opisyal ng gobyerno sangkot dito (mga trapo! bwesit FU).
Ayaw pa niyang bumaba eh ang dami ng may ayaw sa kanya. Nakakatawa nga nung Inter Faith rally kasi sa dami ng pumunta natakot siguro tong labanderang to hahaha' pumunta ba naman ng Camp Crame para daw mgpasalamat hahaha sabihin niya para icheck ang loyalty ng kasundaluhan. Tsaka bakit ganun hinaharang nila yung mga galing probinsya na gustong sumali sa rali? Nakakatawa din tong mga sundalo nasa Camp Crame nilabas lahat ng tangke at lahat ng tropa, sino ba gegerahin nila yung mga tao na nasa Makati? hahaha'.... Ewan! Ang OA mo talaga Gen. EsPe_on. Sige lang protektahan mo yang Reyna mo! araw din kayo!
Ganyan siguro kapag gahaman na sa kapangyarihan ayaw na bumaba sa kinauupuan. Hindi niya gayahin si Erap bumaba na lang para walang gulo... cge! next time ulit time na ako eh!! hehehe...